ANWW 19 Lecture Series: Eli Rueda Guieb III
Para sa huling panayam sa ika-19 na 菠菜台子 National Writers Workshop (ANWW), makakasama natin si Eli Rueda Guieb III, tampok ang kaniyang panayam na pinamagatang "Mga enkwentrong etnograpiko: Mga naratibo ng sarili, kapwa, bayan, at iba pang nilalang, may buhay man o wala." Magaganap ito sa Hunyo 28, Martes, mula 5 n.h. hanggang 7 n.g., via Zoom.

Para sa mga interesadong makadalo sa nasabing panayam, maaaring mag-sign-up dito: http://forms.gle/HB9J6sjfF2FpXLz49
Para sa hindi makadadalo, maaaring mapanood ang rekording ng panayam sa Hulyo 2, Sabado, ditosa Facebook page ng AILAP.
*
Si Eli Rueda Guieb III ay manunulat, kritiko, antropologist, audio media artist, video
documentarist, at experimental filmmaker. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng media studies, ethnograpiya, pananaliksik, development discourses, kultura, identidad, kritisismo, videography, media ethics, at pornography sa Departamento ng Brodkasting sa U.P. Diliman. Hinirang si Eli bilang Pambansang Gawad Balagtas sa Katha ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 2014, at nakatanggap na rin ng mga parangal at komendasyon para sa kaniyang mga produksyong pangradyo buhat sa New York Festivals, Catholic Mass Media Awards, at Gawad CCP para sa Radyo at Telebisyon. Ang dalawa niyang antolohiya ng mga maikling kuwento ay ang Pitada (1994) at Pamilya (2003), at ang antolohiya niya ng mga dulang pantelebisyon ay ang Pilat ng Digma: Mga Teleplay (2017). Ang
pinakahuli naman niyang produksyong panradyo ay ang seryeng Pag-uugat, Pagpapatuloy: Ang Epikong Dumaracol ng mga Tagbanua Kalamianen ng Hilagang Palawan, na may walong episode na isinahimpapawid sa DZUP 1602 nitong Mayo-Hulyo 2022. Bilang anthropologist, ang kaniyang mga pananaliksik ay nakatuon sa marine conservation, political ecology, development anthropology, at legal anthropology. Ang kaniyang mga pananaliksik sa antropolohiya, panitikan, at media studies ay nailathala sa iba't ibang dyornal sa loob at labas ng bansa.
Latest Events
Workshop / Seminar / Short Course
“Open Climate Science,” A Webinar by the MCR-ADMU Regional Hub
Wed, 15 Feb 2023
Workshop / Seminar / Short Course
Econ-tuhan Session 4 - A Young Teacher’s Guide to Macroeconomics
Sat, 28 Jan 2023